Turnover ng 26 na makabagong makinaryang pang-agrikultura sa mga magsasaka sa Antique (Disyembre 03, 2024)

Noong Martes, Disyembre 3, 2024, isang makasaysayang araw para sa ating mga magsasaka sa Antique ang naganap—ang turnover ng 26 na makabagong makinaryang pang-agrikultura na nagkakahalaga ng ₱15,505,000.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng dedikasyon at pagmamahal sa Antique ng inyong lingkod Inday Loren kaimaw ang aking bugto, si Congressman AA Legarda. Ang inyong Inday Loren ay personal na nakipag-ugnayan kay Department of Agriculture Secretary Tiu-Laurel upang maisakatuparan ang proyektong ito.
Ang mga asosasyong nakatanggap ng makinarya ay:
– Maradiona Farmers Association – Maradiona, Belison
– Mojon Farmers Association – Mojon, Belison
– Poblacion Farmers Association – Poblacion, Belison
– Funda Farmers Association – Funda, Hamtic
– Asosasyon kang Mangunguma kag Mamumugon kang Supa – Supa, San Jose
– CAMAST Irrigators’ Association, Inc. – Cansadan-Tubudan, San Jose
– Inabasan Small Farmers Association – Inabasan, San Jose
– Abaca Tobias Fornier Irrigators’ Association, Inc. – Tobias Fornier
– Ysulat Tobias Fornier Irrigators’ Association, Inc. – Tobias Fornier
Ang mga makinaryang ito ay simbolo ng pangako namin ni Cong. AA para sa mas maunlad, mas produktibo, at mas sustainable na agrikultura. Sa tulong nito, mas mapapabilis ang pagtatanim at pag-ani, mas mababawasan ang gastusin, at mas mapapalago ang ani ng bawat magsasaka.
Ang sektor ng agrikultura ang ugat ng ating kabuhayan, at sisiguraduhin naming hindi ito mapapabayaan. Ang tagumpay ng ating mga magsasaka ay tagumpay ng ating minamahal na probinsya ng Antique.
Makasarig kamo kang raku pa nga bulig nga maabot para sa buwas damlag hindi lamang kang atun mga mangunguma kundi pati ang bawat pamilya nga Antiqueño.