Mula sa inyong Inday Loren, masaya kong ibinahagi ang bagong sasakyan na ito sa Iglesia Filipina Independiente sa Pandan, Antique. Batid ko na malaki ang maitutulong nito sa pangaraw-araw na aktibidad ng Simbahang Aglipay gaya ng pagdaraos ng misa sa iba’t ibang barangay sa ating bayan.
Ito po ay isang kahilingan mula kay Rev. Father Rexford Dimacutac na personal na lumapit sa inyong lingkod pagkatapos kong dumalo ng kanilang misa. Agaran pong umaksyon ang inyong Inday Loren at matapos lamang ang ilang linggo ay nabigyan na natin ng katuparan ang matagal ng hiling ng kanilang Simbahan.
Masaya pong makatulong ang inyong Inday Loren sa abot ng aking makakaya at dalangin ko na mas umigting pa ang inyong koneksyon sa ating komunidad sa mga darating na panahon.
Kabay nga paagi sa dyang sarakyan, mapalapnag natun ang pulong kang Gino-o sa raku pa nga tawo.