Tabang Medical Mission sa Patnongon!
Masaya naming ibinabahagi na mahigit sa 300 nating mga kasimanwa ang nakatanggap ng serbisyong medikal at gamot sa bayan ng Patnongon.
Ito ay naging posible dahil sa pakikipagtulungan ng aking opisina, Opisina ni Cong. AA Legarda, SP Egidio Elio, SP Maye Plameras, Department of Health (DOH), Local Government Unit ng Patnongon, at mga opisyales ng Barangay Cuyapiao.
Malaking bagay ang isinagawang konsultayong medikal at pamamahagi ng libreng gamot sa ating mga kapwa Antiqueño. Ang ating kalusugan ay isa sa mga dapat nating maging prayoridad kung kaya’t ito ay isang serbisyo na aming masayang ibinahagi.
Patuloy po ang mga ganitong inisyatibo mula sa inyong Inday Loren at Cong. AA Legarda. Ang hangad namin ay magkaroon ang bawat kasimanwa ng isang malusog na pangangatawan para tayo ay sama-samang magtulungan sa ikauunlad ng ating probinsya!