Muli tayong nakapagbigay ng libreng dental services sa ating mga kasimanwa! Noong Oktubre 13, sa Barangay Patria naman tayo nagpunta, kung saan nagbigay tayo ng tooth extraction services sa tulong pa rin ng mga dentista ng St. Luke’s Medical Center at Philippine Dental Association, kasama ang mga dentista mula Iloilo. Sa dalawang araw na dental mission, mahigit isang libong pasyente mula sa Pandan, Sebaste at Libertad ang ating naserbisyuhan.
Ang inyong Inday Loren at Cong. AA Legarda ay patuloy na tutulong upang masiguro na nabibigyan ng iba’t ibang serbisyo ang mga Antiqueño. Tayo ay patuloy na magsisikap na pangalagaan ang kalusugan ng ating mga kasimanwa, isang hakbang tungo sa mas malusog na komunidad!
Maraming salamat muli sa mga doktor, barangay health workers, GIP scholars at mga lokal na opisyal para sa matagumpay na dental mission para sa ating mga kasimanwa!