Masaya naming ibinabahagi na 796 nating mga kasimanwa mula sa bayan ng Culasi, pati na rin sa mga bayan ng Sebaste, Tibiao, at Valderrama ang naging benepisyaryo ng ating dental mission. Nagagalak ako na nailalapit natin ang mga mahalagang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kasimanwa. Ang pasasalamat ng ating mga pasyente at ang kanilang mga ngiti ay dagdag inspirasyon sa akin para lalo pang pag-igihin ang pagpapaabot ng tulong at ipagpatuloy ang mga ganitong programa para sa ating mga kasimanwa.
Ako ay nagpapasalamat sa labingpitong (17) mga dentista mula sa St. Luke’s Medical Center at Philippine Dental Association na nagtungo sa aming probinsya upang maghandog ng propesyonal na serbisyo sa ating mga kasimanwa. Salamat din kay SP Mayella Plameras at SP Egidio Elio para sa pakikipagtulungan sa aming tanggapan upang maisagawa ang dental mission na ito.
Kahit kailan at saan, laging narito ang inyong Inday Loren kasama ang aking kapatid, si Cong. AA, upang magbigay ng bulig sa ating mga kapwa Antiqueño.