Ating natuklasan sa ‘SOGNA: Pagtitipon hinggil sa Epikong-Bayan’ ang siyam na epikong ibinahagi ng epic chanters mula sa iba’t ibang katutubong komunidad sa ating bansa.
Sa mga araw na nakasama natin sila sa U.P. Diliman, nagkaroon tayo ng pagkakataong kilalanin ang mga tagapagtaglay ng yaman ng ating bayan sa pamamagitan ng panayam at meet and greet. Matagumpay rin nating nailunsad ang pinondohan nating mga aklat patungkol sa epikong-bayan.
Nagtapos ang tatlong araw na programa sa pagtatanghal ng mga talentadong estudyante mula sa Guang Ming Theatre Ensemble ng epiko mula sa Palawan, “Ang Paraan ng Paglipad” o “Dumaracol’s Flight”.
Maraming salamat sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Likha-an Resource Center, Dalubhasaan para sa Edukasyon sa Sining at Kultura (DESK), National Artist Virgilio Almario, at lalo na sa lahat ng culture bearers, cultural workers, translators, researchers, at artists na buong-pusong isinusulong ang mga proyektong gaya nito. Malaking hakbang ito para sa imortalisasyon ng identidad ng ating mga katutubo pati na rin ng kabuuan ng Pilipinas.