Nakararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa dahil sa bagyong Kristine kasama ang ating lalawigan kung kaya’t patuloy ang ating pagmo-monitor at agaran nating binisita ang mga apektadong lugar. Ngayong araw, mga pamilya mula sa Maybato North, San Jose ang ating binisita at kinumusta ang kalagayan. Namahagi rin tayo ng bigas at food packs mula sa inyong Inday Loren at Cong. AA Legarda.
Bagama’t palabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo ngayong araw ayon sa PAGASA, marami sa ating mga kasimanwa ang nangangailangan pa rin ng tulong kung kaya’t patuloy ang ating paglilibot at pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.
Imaw ninyo kami kang akun bugto nga si Cong. AA sa pagtiraw nga dya. Mag uligmat mga kasimanwa!