Sa pagtutulungan ng inyong Inday Loren at aking kapatid na si Cong. AA Legarda, naghatid tayo ng tulong sa ating mga kasimanwa sa bayan ng Libertad.
Kahapon, tayo ay nag-abot ng 250 relief goods sa ating mga kasimanwa, kung saan marami ang labis na nangangailangan ng ating agarang tulong. Ang mga relief goods ay naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan upang makatulong sa kanilang sitwasyon.
Sama-sama tayong humaharap sa mga pagsubok, at ang ating pagkakaisa ang susi sa pagbuo ng mas matatag na komunidad.