Serbisyo Legarda Relief Operations sa Laua-an at San Jose, Antique

Sa gitna ng pananalasa ng bagyong Kristine, tayo ay kaagad na nagpaabot ng personal na tulong sa ating mga kasimanwa sa mga bayan ng Laua-an at San Jose. Food packs at bigas ang ating ibinigay na bulig sa 70 pamilya mula sa Brgy. Banban, Brgy. Intao at Brgy. Mauno sa Laua-an. 50 pamilya naman ang nabigyan natin ng food packs sa Brgy. San Angel, San Jose na kanilang kinakailangan sa gitna ng bagyo.
Kasama ang aking bugto na si Cong. AA Legarda, narito po kami, handang maglingkod sa ating mga kasimanwa.