Serbisyo Legarda Distribution ng Food Packs sa Valderrama, Antique (Setyembre 17, 2024)

Sa layuning makapagbigay ng agarang tulong, ang inyong Inday Loren ay agad na umaksyon para tugunan ang pangangailangan ng ating mga kasimanwa.
Namahagi tayo ng food packs sa tatlong barangay sa bayan ng Valderrama: 48 pamilya sa Brgy. Bugnay, 17 pamilya sa Brgy. Iglinab at 45 pamilya sa Brgy. Lublub. Ang bawat food pack ay personal na tulong mula sa inyong Inday Loren at Cong. AA Legarda upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kasimanwa.
Sama-sama nating haharapin ang anumang pagsubok, bitbit ang inspirasyon na magtulungan at magtagumpay sa bawat hamon ng buhay.