Serbisyo Legarda Distribution ng Food Packs at Hygiene Kits sa Brgy. Cubay North, Bugasong, Antique (Setyembre 18, 2024)

Patuloy ang ating pagtulong sa mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad.
Sa Brgy. Cubay North bayan ng Bugasong, namahagi ang inyong Inday Loren at Cong. AA Legarda ng 50 food packs at 10 buckets of hygiene kits upang matulungan ang mga pamilyang nangangailangan. Kasama sa mga ipinamahagi na hygiene items ay ang tuwalya, bedsheet, at mga personal hygiene essentials.
Nananatili ang aming malasakit at buong suporta para sa inyong pagbangon. Sama-sama tayong hahanap ng liwanag sa gitna ng unos.