Serbisyo Legarda Distribution ng Food Packs at Potable Water sa Pandan, Antique (Setyembre 17, 2024)

Sa kabila ng mga pagsubok, patuloy pa rin ang agarang tulong na binibigay natin sa ating mga kasimanwang nasalanta ng kalamidad.
Mula sa personal na tulong ng inyong Inday Loren, at ng aking bugto, si Cong. AA, tayo ay namahagi sa mga upland barangays ng 265 food packs at 40 gallons ng potable water sa mga apektadong barangay ng Aracay, Napuid, Maadios at Badiangan sa bayan ng Pandan. Ang bawat barangay ay nakatanggap ng tig-sampung galon ng tubig upang matugunan ang pansamantala nilang pangangailangan.
Ang ating agarang aksyon ay naglalayong maibsan ang hirap ng mga naapektuhang komunidad. Patuloy tayong magtulungan at magmalasakit sa panahon ng pangangailangan.