Serbisyo Legarda Distribution ng Food Packs at Pag-refill ng kerosene sa iba’t ibang barangay ng Pandan, Antique

Patuloy pa rin tayong tumutulong upang masigurong ang bawat kasimanwa ay makakabangon. 💚
Matagumpay nating naipamahagi ang food packs sa iba’t ibang barangay ng Pandan: sa Brgy. Napuid, Brgy. Maadios, Brgy. Aracay, Brgy. Sta. Ana, at Brgy. Perfecta. Bukod dito, naisagawa rin ang pag-refill ng kerosene sa bawat tahanan sa Brgy. Aracay, isa sa mga bulubunduking barangay ng Pandan.
Sa personal na inisyatiba ng inyong Inday Loren at ng aking kapatid na si Cong. AA Legarda, patuloy tayong magtutulungan upang masigurong lahat ng ating mga kasimanwa ay makakatanggap ng nararapat na tulong.