Serbisyo Legarda Distribution ng Family Food Packs sa Anini-y, Antique noong Setyembre 27, 2024

Noong nakaraang Setyembre 27 ay matagumpay nating naipamahagi ang 200 Family Food Packs mula sa personal na tulong ng inyong Inday Loren at ang aking bugto na si Cong. AA Legarda sa mga pamilyang nangangailangan sa mga barangay ng San Francisco, Nasuli C, Iba, Casay Viejo, Casay, Igbarabatuan, Mabuyong, Igpalge, Magdalena, Igtumarom, San Ramon, San Roque , Tagaytay sa bayan ng Anini-y, Antique.
Ang ating layunin ay patuloy na maghatid ng tulong at suporta sa ating mga kasimanwa, lalo na sa mga panahong mahirap. Nais naming ipaalam sa bawat isa na hindi kayo nag-iisa at ang inyong kapakanan ay mahalaga sa amin.