Matagumpay nating naipamahagi ang 253 food packs mula sa personal na tulong ng inyong Inday Loren at ang aking bugto na si Cong AA Legarda sa mga residente ng Brgy. Panpanan 1, Sitio Bun-acan, at Sitio Tiblaga sa San Remigio, Antique noong Setyembre 25. Bukod pa dito, naipamahagi din natin ang 260 Family Food Packs mula sa DSWD.
Sa kabila ng anumang pagsubok, patuloy kaming magsisikap na maghatid ng suporta at malasakit sa bawat pamilyang nangangailangan. Ito ay isang patunay na ang ating dedikasyon sa serbisyo at tulong ay walang hanggan.