Serbisyo Legarda Distribution ng Bigas at Food Packs sa Sitio Baybay, Brgy. Poblacion, Belison, Antique (Setyembre 18, 2024)

Kasama ang aking kapatid na si Cong. AA Legarda, kami ay nagpaabot ng 80 packs of rice at 80 food packs sa mga pamilyang nasalanta ng malakas na ulan at pagbaha sa Sitio Baybay, Brgy. Poblacion, bayan ng Belison. Nakikita ko ang hirap na pinagdaraanan ng bawat kasimanwa, at patuloy itong nagbibigay-lakas sa amin upang maglingkod ng walang pag-aalinlangan.
Hindi ito ang huling pagkakataon—ipagpapatuloy namin ang pagbibigay ng tulong hangga’t kinakailangan. Sama-sama tayong babangon mula sa mga pagsubok, dahil ang inyong kaligtasan at kapakanan ang aming prayoridad.