Senator Loren Legarda kasama ng mga bata sa Mag-aba beach (Hulyo 08, 2024)

“Anong wish ninyo?” Yan ang tanong ko sa mga bata na grades 4,5,6 sa aking barangay sa baybayin isang hapon. School supplies! Yan ang sagot nila.

Malapit na ang pasukan, kailangan ng karagdagang bag, pencil, notebook, crayons, eraser, mga libro, marami pang iba. Kaya, bumili ako agad at sinorpresa ko ang mga bata sa kanilang mga bahay ng sunod na umaga.

Maligaya akong napasaya ko ang mga bata! Patuloy kong gagawin yan, hindi lamang sa aking barangay, kundi na rin sa lahat ng kaya kong maabot, sa aking personal na kakayanan, maliban sa pagusad ng suporta para sa basic education ng ating pampublikong magaaral.

Mahal na mahal ko ang mga kabataang Pilipino. Btw, pasensya na po sa simpleng gayak ko. tsinelas mula sa palengke, lumang T-shirt at maluwag na maong blessed Sunday. Kumusta ang Linggo niyo?