Iba talaga ang positibong enerhiyang dala ng mga kabataan! Isang masayang umaga ang ating pinagsaluhan kasama ang mga estudyante, guro, at opisyal ng University of Antique sa Sibalom. Nakita ko ang inyong determinasyon na makapag-aral at makapagtapos kaya nararapat lang na ibuhos pa ang bulig sa edukasyon. Ating inihandog ang scholarships sa ilang estudyante at sisiguruhin natin na ang iba pang hindi nakatanggap ay mabibigyan ng tulong sa pag-aaral sa ilalim ng DSWD AICS.
Masaya din nating ibinahagi ang mga proyekto sa UA-Sibalom na mapapakinabangan ng ating mga kabataan. Ilan dito ay ang research laboratories, classrooms, food processing centers, at sports training center.
Bilang tulong naman na iangat ang kakayahan ng ating kabataan, mga negosyo, opisina ng gobyerno, at maging kaayusan sa pagbibigay ng ikaayong lawas, ating matagumpay na pinasinayaan ang activation ng 450 WiFi sites sa 150 barangay sa probinsya upang makasabay tayo sa pag-unlad ng teknolohiya. Ito ay ating proyekto katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT).
Prayoridad ng inyong mga lingkod, Inday Loren at Cong. AA Legarda, ang dekalidad na edukasyon at accessible na teknolohiya para sa aming mga kasimanwa. Asahan ninyo ang patuloy na pagbuhos namin ng mga proyektong naglalayon na paunlarin ang ating mahal na probinsya.