Sa pagdinig ng Committee on Basic Education, binigyang-diin natin na ang pagdidisiplina ay hindi tungkulin ng mga guro o school principals lamang. Ang disiplina ay responsibilidad ng lahat, at ito ay nag-uumpisa sa ating mga tahanan, kung saan itinuturo natin ang mga tamang gawain sa ating mga anak.
Hinimok ko rin na tayo ay magkaroon ng programa kung saan tayo ay maaaring gumawa ng educational materials na magiging gabay para sa mga kabataan at sa ating lahat kung paano tayo magiging disiplinado sa ating mga bahay, paaralan, o sa trabaho. Sa panahon ngayon, mahalaga na tayo ay maging malikhain sa mga pamamaraan kung paano natin ituturo ang tamang mga gawi lalo sa mga kabataan.