Isang produktibong Lunes para sa Senado dahil naipasa na natin ang dalawang panukalang batas na magpapabuti sa kalagayan ng ating mga manggagawa at mga trabahador sa industriya ng pelikula.
Pasado na sa Senado ang SB No. 2534 na magtataas sa sahod ng mga empleyado sa pribadong sektor. Pagbati kay Senate President Juan Miguel Zubiri bilang principal author, at kay Senator Jinggoy Estrada sa pag-sponsor ng panukalang batas. Binigyang linaw natin na ang micro enterprises ay exempted sa implementasyon nito base sa Barangay Micro Business Enterprises law.
Pasado na rin ang SB No. 2505 o ang Eddie Garcia Act na magbibigay proteksyon sa mga manggagawa sa industriya ng pelikulang Pilipino. Congratulations kay Senator Robinhood Padilla bilang principal author at kay Senator Jinggoy Estrada na nag-sponsor ng panukalang batas.
Sinimulan natin ang plenary session sa pakikinig sa chant ni Manlilikha ng Bayan Rosie Godwino Sula mula sa Lake Sebu, South Cotabato na “Lingon Mlay Ketengon” bilang bahagi ng selebrasyon ng National Arts Months.