Plenary Session

Nakalulungkot isipin na ang dental health ay hindi nabibigyang prayoridad ng ating mga kababayan dulot na rin ng kahirapan.

Kasama ng aking mga kasamahan sa Senado, ating pagtatrabuhahan na pataasin ang pondo para sa pagpapabuti ng dental health ng mga Pilipino. Sa paparating na budget season, isa ito sa mga pagtutuunan natin ng pansin upang itaas ang kalidad ng ating dental health care system para sa minamahal nating mga kababayan.