Pamaskong Handog ng Serbisyo Legarda sa Libertad

Pamaskwa Halin sa Serbisyo Legarda!
Ngayong Pasko, handog namin ang munting Pamasko mula sa inyong Senadora Inday Loren Legarda at Congressman AA Legarda, kasama sina Bebing Maribeth Laserna, Mayor Bebot Te, at ang Team Better and Brighter Libertad.
Nais naming maramdaman ng bawat pamilya sa 19 na barangays ng Libertad na hindi kayo nag-iisa. Sa bawat Christmas package ay ang aming taos-pusong hangarin na mapasaya ang inyong pamilya ngayong Pasko, at ipaalala na palagi ninyong kasama ang Serbisyo Legarda sa lahat ng panahon at pagkakataon.
Sama-sama nating ipagdiwang ang diwa ng Pasko—pagkakaisa, pagibig, at pagmamalasakit sa bawat isa. Palangga namun kamo, mga kasimanwa!