Pamana: Mga Hinabing Salaysay ng mga Katutubong Pilipino

Isang maalab na pagbati sa ating mga kapatid na katutubo sa pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Day at sa lahat ng mga katutubo sa buong mundo sa paggunita ng International Day of the World’s Indigenous Peoples!

Maraming salamat sa paanyaya ni Senator Robinhood Padilla sa pagbubukas ng eksibisyon na pinamagatang “Pamana: Hinabing Salaysay ng mga Katutubong Pilipino.”

Ating binibigyang-pugay ang lahat ng ating katutubo, our culture bearers, bilang tagapangalaga ng ating kayamanang pamana. Ako po ay patuloy niyong kakampi sa hangaring mapanatili sa ating kamalayan ang mga katutubong salaysay, gawain at tradisyon.