Pamamahagi ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa Antique (Agosto 02, 2024)

Ang ating mga magsasaka mula sa Culasi, Libertad, Pandan, Barbaza, Sebate, at Tibiao ay naging mga benepisyaryo ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) noong nakaraang Agosto 2, 2024.
Ang bawat kasimanwa ay nakatanggap ng pinansyal na tulong na kanilang magagamit sa pagpapalago ng kanilang mga aning palay. Ang inyong Inday Loren ay masigasig na sumusuporta at tinitiyak na may sapat na pondo ang RCEF na bunga ng RA 11203 o Rice Tariffication Law. Akin ding sinuportahan ang budget ng Department of Agriculture (DA) na siyang ahensya ng gobyerno na nangangasiwa sa maayos na implementasyon ng programang ito. Naglalayon ang RCEF na bigyang suporta ang ating mga magsasaka sa pagbibigay ng mga dekalidad na binhing palay, mga makinarya at kasangkapang pangbukid, at pagbibigay ng credit assistance. Taon-taon ay mayroong nakalaan na Php 10 billion para sa mga rice farmers sa buong bansa. Higit pa rito, mayroong bahagi ng sobrang nakokolektang taripa na inilalaan para sa Rice Farmers Financial Assistance upang direktang matulungan ang ating mga magsasaka. Masaya po kami na isa sa mga naging benepisyaryo ng RCEF ay ang ating mga mahal na kasimanwa.
Patuloy po nating papaunlarin ang sektor ng agrikultura at papalakasin ang ating mga magsasaka na siyang dahilan ng