Pailaw sa Taal, Pasko ng Pamilyang Pilipino (November 08, 2024)

Umpisa na ng Kapaskuhan sa Taal sa Batangas!

Bilang hudyat ng pagsisimula ng Kapaskuhan sa bayan ng Taal sa Batangas, ginanap ang “Pailaw sa Taal, Pasko ng Pamilyang Pilipino,” kung saan sinindihan sa unang pagkakataon ang Christmas lights sa Taal Park. Sa pagsasama-sama ng halos 6,000 nating mga kababayan, damang-dama ang diwa ng pagkakaisa at pananampalataya na siyang ilaw ng ating pag-asa.
Ang mga pailaw at parol na ating nasilayan ay hindi lamang dekorasyon, kundi simbolo ng ating pagkakaisa at pananalig na muli tayong babangon at magpapatuloy sa mas maliwanag na kinabukasan. Bilang isang pamilyang Pilipino, sama-sama nating ipagdiriwang ang diwa ng Pasko—sa pagkakaisa, pananalig, at taos-pusong pasasalamat sa bawat biyaya.