Pagtatalaga sa Gusali ng Pamahalaang Bayan ng Taal Bilang Pambansang Palatandaang Pangkasaysayan (Disyembre 08, 2024)

Ikinagagalak kong maging bahagi ng makasaysayang araw ng opisyal na pagkilala ng Gusali ng Pamahalaang Bayan ng Taal sa probinsya ng Batangas bilang isang Pambansang Palatandaang Pangkasaysayan ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan o National Historical Commission of the Philippines (NHCP).

Higit sa magandang handog ng nakaraan, ang deklarasyong ito ay simbolo ng katatagan at dedikasyon na protektahan ang pamanang sumasalamin sa puso, alaala, at pagkatao ng bawat Taaleño.
Mabuhay ang kasaysayan at kultura ng Taal!