Nagkaroon ako ng pagkakataong makipag-usap sa mga kapitan ng mga barangay ng Valderrama, Antique upang malaman ang kasalukuyang kalagayan ng kanilang mga barangay. Tinalakay namin ang mga proyektong isinulong natin at ipagpapatuloy na mga programa upang matulungan ang ating mga kasimanwa sa Valderrama. Ang mga barangay ay nagsisilbing frontliners sa pagbibigay ng mga serbisyo at tulong na kinakailangan ng mga kababayan natin, kaya’t mahalaga na maging katuwang natin sila sa mga hakbangin tungo sa mas magandang kinabukasan.
Palagi akong handang tumulong sa ating mga kasimanwa kasama ang aking kapatid na si Cong. AA Legarda. Umaasa kami na ang aming mga pagsusumikap ay magdudulot ng higit pang progreso at paglago sa ating minamahal na lalawigan.