Isang karangalan ang maging bahagi ng makasaysayang araw na ito para sa Lungsod ng Baliwag.
Ngayong araw ay naging saksi kami sa paghahawi ng tabing ng panandang pangkasaysayan o historical marker sa Simbahan ng San Agustin bilang pagkilala sa natatanging kontribusyon ng istrukturang ito sa pagbuo ng kasaysayan ng bayan at ng bansa. Dito sa Simbahan ng San Agustin ginanap ang kauna-unahang lokal na eleksyon sa buong Pilipinas noong 1899. Dito rin bininyagan ang isa sa ating mga bayani na tubong-Baliwag — si Mariano Ponce.
Ang historical marker na ito ay simbolo ng pamana ng nakaraan at isang paalala, lalo na sa mga kabataan, na lingunin ang aral ng kasaysayan na siyang magiging gabay sa pagsulong ng kabuhayan at kalinangan ng ating bansa.
Isang pagbati para sa mga Baliwagenyo! Masaya akong makapiling kayo sa mismong Araw ng mga Bayani! Mabuhay ang Baliwag!