Pagbisita sa Paliwan bridge (Enero 09, 2025)

Pinuntahan ko ang isa sa mga ipinagmamalaki nating proyekto sa Antique – ang Paliwan bridge na ating ipinaayos sa pondong ating nilaan sa ilalim ng dpwh. Hindi lamang ito sumisimbolo sa progreso ng lalawigan kundi nagbibigay rin ng panibagong pag-asa para sa mga Antiqueño.
Nang masira ang tulay na ito dahil sa bagyong Paeng noong Oktubre 2022, kami po ni Cong. AA Legarda ay agarang pinagtrabahuan ang pagsasaayos nito dahil batid namin ang kahalagahan nito sa pang-araw-araw na buhay ng ating mga kasimanwa. Natapos ang rehabilitasyon nito at pormal nating binuksan sa publiko noong Hunyo ng nakaraang taon. Inaasahan na ring matatapos ngayong taon ang bagong Paliwan bridge na mas magpapabilis sa transportasyon sa pagitan ng hilaga at timog na bahagi ng ating probinsya.
Padayo ang atun mga proyekto kag programa para sa padayo nga pag-ugwas kang Antique!