Pagbangon mula sa Ondoy: Mga Solusyon para sa Patuloy na Pagbabaha sa Metro Manila at Karatig-Lugar

Ondoy 2009. Sa Marikina, Malabon, Rizal, at marami pang lugar. Ngayong 2024, pareho pa rin ang problema. Mas malala pa. Dulot ng pagbabago ng klima, matagal ko nang sinasabi na ang ulan ay mas lalakas, mas titindi, mas dadalas. Kaya dapat natin gawin ang mga sumusunod:
1. MMDA at DPWH, linisin ang mga drainage, canal, esteros at mga daluyan ng tubig. Nagawa ba ito bago Hulyo? Gaano kadalas gawin?
2. May maintenance check ba ang gate valve sa paggitan ng Navotas, Malabon at Manila bay? Totoo ba na sira ang gate kaya pumasok ang tubig ng high tide at bumaha sa Camanava?
3. Umaandar ba ang pumping stations?
4. Ilang esteros ang hindi na pwede gamitin bilang daluyan ng tubig dahil may struktura na?
5. Sa DENR at mga eksperto sa science, ano ba talaga ang epekto ng reclamation na nagaganap?
6. Sa dami ng basura na nakita sa baha, maliwanag na hindi sinusunod ang aking batas nung 2001 pa na RA. 9003, Ecological Solid WasteManagement Act, ang pag hiwalay ng basura sa nabubulok at hindi nabubulok. Ito ay tungkulin ng bawat LGU, bawat barangay, bawat tahanan.
7. Kung hindi puno ng basura ang kalsada at mga daluyan ng tubig, hindi ganito ang baha, maski malakas ang ulan.
8. Nalikas ba lahat ng mga pamilya sa tabi ng mga ilog dahil may early warning naman tayo?
Umaasa ako na ang aking mga polisiya at alituntunin ay susundin para sa maayos at ligtas na pamumuhay. Salamat po.