Empowered women, empower women!
Nagagalak akong makausap muli at makita nang personal si UN Women Country Programme Coordinator Ma. Rosalyn G. Mesina (Lenlen) at apat na grupo ng mga kababaihang tunay na nagpapamalas ng lakas, talino, pagkamalikhain at katatagan ng mga Pilipina – ang Development Action for Women Network (DAWN) mula sa Maynila, Alyansa ng Nakatatanda sa Komunidad (ANAK) ng Quezon City, at Capas Organic Farmer’s Cooperative ng Tarlac – mga matagumpay na benepisyaryo ng DOLE Kabuhayan program ng Department of Labor and Employment. Kasama rin namin ang Nagkakaisang Samahan ng Kababaihan sa Kanayunan (NAGSAKKA Women) na mula sa Quezon at benepisyaryo naman ng DSWD Sustainable Livelihood Program.
Panahon ng pandemya noong una ko silang nakilala sa isang virtual meeting nang dumulog sila sa aking tanggapan, at kahit tayo ay Congresswoman ng Antique noon, nakapagpaabot tayo ng tulong. Ngayon, may success livelihood stories tulad ng Food Bank ng ANAK at Sewing Training ng DAWN dahil sa kanilang kasipagan at dedikasyon.
Ang mga istoryang gaya nito ang isa sa mga nagbibigay sa akin ng inspirasyon. Hangad natin na tulungan ang mas marami pang indibidwal at komunidad. Asahan po ninyo na patuloy tayong makikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan at isusulong ang mga programang kapaki-pakinabang para sa ating mga kababaihan.