Kamakailan, nagkaroon ako ng pagkakataong kausapin ang mga kapitan ng mga barangay sa San Remigio, Antique upang alamin ang kalagayan ng bawat barangay. Tinalakay namin ang mga proyektong aking tinulungan na mapondohan upang mas mapalapit ang mga tulong mula sa gobyerno sa ating mga kasimanwa tulad ng pagpapatatayo ng mga silid-aralan, barangay health centers at mga kalsada.
Ako at ang aking kapatid na si Cong. AA Legarda ay patuloy na magsisikap upang matiyak na ang mga proyekto at tulong mula sa gobyerno ay makararating sa ating mga kababayan sa Antique. Ang layunin namin ay matulungan ang ating mga kasimanwa na mapabuti ang kanilang buhay at matiyak na ang mga proyektong ito ay magdudulot ng mas maayos na kinabukasan para sa lahat.