Sa aking pakikipag-usap sa mga lider ng barangay sa Laua-an, Antique, nagkaroon kami ng makabuluhang talakayan tungkol sa kalagayan ng kanilang nasasakupan. Pinag-usapan namin ang mga proyekto na aking isinusulong tulad ng pagpapagawa ng mga daan, silid-aralan, at water supply system.
Mahalaga ang pakikipagpulong sa mga lokal na pamahalaan, lalo na sa mga barangay, dahil sila ang unang nagbibigay ng mga serbisyong pampubliko. Pinahahalagahan din naming ni Cong. AA Legarda ang kanilang mga mungkahi at obserbasyon upang matulungan natin ang bawat pamilya sa ating mga komunidad. Sa pakikiisa, mas mapapalawak natin ang mga solusyon sa mga hamon sa ating mga barangay, at patuloy nating isusulong ang mga proyekto para sa kaunlaran ng bawat bayan sa ating probinsya.