Medical Mission sa Tagaytay City

Ang #TeamLingkodLoren kasama ang Beauty Beyond Borders ng The Aivee Group ay matagumpay na nagsagawa ng medical mission sa Tagaytay City.
Derma consultation, mole at warts removal, at minor surgery ng cysts ang mga libreng naibigay na serbisyo ng The Aivee Group sa pangunguna ni Dra. Aivee at Dr. Z Teo.
Gayundin, sa tulong ng Department of Health (DOH) ay nakapagbigay din tayo ng mga bitamina at gamot para sa hypertension at diabetes. 10 mga wheelchairs din ang ating naipamahagi sa pakikipagtulungan kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Maraming salamat kay Mayor Bambol at Vice Mayor Agnes Tolentino ng Tagaytay City, at Vice Governor Athena Tolentino para sa tulong at koordinasyon upang maisagawa ang Medical Mission kasama ang Beauty Beyond Borders.
Salamat din kay Dra. Aivee at Dr. Z Teo at sa kanilang mga doktor at staff para sa isa na namang matagumpay na medical mission at sa personal na pagpunta at pagsasagawa ng operasyon sa ating mga benepisyaryo.