Bumisita po tayo sa Nasugbu, Batangas upang mamahagi ng school supplies sa 10,000 estudyante bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan at para maibsan ang alalahanin sa gastusin ng kanilang mga magulang.
Sana ay magbigay ng dagdag inspirasyon ang mga kagamitang ito upang mapalawak ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman at maihanda sila sa pagiging mga mabuting miyembro ng komunidad.
Samantalang 1,000 benepisyaryo naman ang nakatanggap ng suporta mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development bilang bahagi ng ating layunin na mailapit sa mamamayan ang mga programa ng pamahalaan. Gayundin ay sampung mga Persons with Disabilities (PWDs) ang nakatanggap ng wheelchairs bilang tulong sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay.
Nawa’y sa abot ng ating makakaya ay patuloy nating maiangat ang antas ng kaalaman at kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino.