Lingkod Loren sa Sideg Elementary School at Paoay East Central Elementary School

Bilang selebrasyon ng ika-90 kaarawan ng aming Nanay Fely, ang #TeamLingkodLoren ay nagpamigay ng libreng tablet sa mga estudyante ng Sideg Elementary School at Paoay East Central Elementary School sa Paoay, Ilocos Norte.
Masaya kami na makapagbahagi ng mga tablets sa ating mga estudyante sa bayan kung saan nagmula si Nanay Fely. Hangad namin na ang mga ito ay makatulong sa pag-aaral ng ating mga kabataan.
Isa lamang ito sa mga paraan upang maipakita ang aming pasasalamat sa aming Nanay Fely sa lahat ng kanyang sakripisyo at pagmamahal na ipinamamalas sa loob ng maraming dekada.
Maligayang pagbati sa iyong kaarawan, Nanay Fely! ?