Lingkod Loren sa Malabon at Tondo

Ang #TeamLingkodLoren kasama muli ang aking mga kaibigan na sina Korina Sanchez at Direktor David Chua ay binisita ang Distrito Dos ng Tondo, Maynila kung saan 94 na mga benepisyaryo ang nakatanggap ng 17 sako ng bigas. Ito ay isang pagkakataon na sila ay makapagsimula ng sariling bigasan dahil sa DOLE Kabuhayan.
Gayundin ay nagtungo ang #TeamLingkodLoren sa Malabon para sa isang matagumpay na pamamahagi ng 13 sako na bigas bawat isang benepisyaryo. Sila ay kinabibilangan ng mga PWD, solo parents, senior citizens, at displaced workers.
Hangad namin na magamit ninyo ito sa pang-araw-araw na pamumuhay at mapalago bilang negosyo.