Lingkod Loren sa Brgy. Potrero, Malabon City

Nagtungo ang #TeamLingkodLoren sa Brgy. Potrero, Malabon City upang magbahagi ng food packs at gatas sa mga guro at estudyante ng Potrero 1 Elementary School. 354 na mga kabataan at 28 guro ang nakatanggap ng ating munting handog.

Salamat kay Mayora Jeannie Sandoval at Kapitana Sherlyn Nolasco, at mga guro para sa isang matagumpay na #LingkodLoren Handog Sa Mga Bata. Nagpapasalamat din kami sa San Miguel Corporation para sa kanilang donasyon na mga pagkain at gatas.