Lingkod Loren sa Brgy. Payatas, Quezon City

#TeamLingkodLoren sa Brgy. Payatas, Quezon City!
Ngayong araw ay masaya tayong nakapagbahagi ng package ng bigas sa ating mga benepisyaryo ng DOLE-Kabuhayan. 50 ang nakatanggap ng 13 sako ng mga bigas na magagamit nila sa pagsisimula ng kanilang munting negosyo.
Ikinatataba po ng aming puso na matulungan ang ating mga displaced workers, ilaw ng tahanan, senior citizens, mga may kapansanan, at mga TODA drivers. Hangad namin na ang handog na ito ay mas lalo pang nakapagdulot ng ngiti sa ating mga benepisyaryo at kanilang mga pamilya lalo na ngayon at papalapit na ang Araw ng Pasko.
Nawa ay ipagpatuloy natin ang diwa ng pagbibigayan at malasakit sa lahat ng pagkakataon.