Masayang-masaya akong nakasama ang ating mga kababayan sa Brgy. Malanday, Marikina City para sa pamamahagi ng bags of rice sa 250 pamilya. Batid ko kung gaano kahalaga ang bigas sa pang-araw-araw na buhay ng bawat pamilya, kaya’t napakasarap sa pakiramdam na makapagbahagi ng munting tulong na ito. Bukod sa bigas, nagbigay rin tayo ng masarap na arroz caldo.
Tunay na nakakataba ng puso ang makapagbigay ng kahit kaunting kaginhawahan sa ating mga kababayan lalo na sa mga panahon ng pangangailangan. Sana ay patuloy tayong magkaisa at magtulungan upang mas marami pa tayong matulungan sa hinaharap.