Muling nagpunta ang Team Lingkod Loren sa Batangas para maghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Carina. Sa Calaca, Batangas, kami ay naghatid ng DSWD family food packs sa 200 benepisyaryo, pati na rin sa Brgy. Balanga at Brgy. Nonong Casto sa Lemery, kung saan parehong barangay ang nakatanggap ng food packs para sa 200 benepisyaryo.
Ang aking puso ay puno ng kasiyahan sa bawat pagkakataong makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan. At makakaasa ang lahat na kami ay patuloy na maghahatid ng tulong hangga’t kinakailangan.