Lingkod Loren Relief Operations in Pampanga

Sa gitna ng pinsalang dulot ng Bagyong Egay na nagdala ng malakas na ulan at hangin, na nagresulta sa malawakang pagbaha at pagkakalikas ng mga pamilya sa iba’t ibang lugar sa Pampanga, sinikap ng #TeamLingkodLoren na maipaabot sa mga apektadong komunidad sa mga bayan ng Candaba, Minalin, Macabebe, Masantol, at San Luis sa Pampanga ang suportang kinakailangan nila. 4,500 relief packs ang ibinahagi natin sa mga lugar na ito. Katuwang din natin ang DSWD sa pagbibigay ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga pamilyang apektado.

Ang aming taos-pusong pasasalamat sa ating mga alkalde, Mayor Rene Maglanque ng Candaba, Mayor Philip Naguit ng Minalin, Mayor Leonardo Flores ng Macabebe, Mayor Jose Antonio Bustos ng Masantol, at Mayor Jason Sagum ng San Luis.