Lingkod Loren Relief Operations in Bulacan

Bilang tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Egay, ang #TeamLingkodLoren, ay nagtungo sa Bulacan upang maghatid ng relief packs at tulong pinansyal sa iba’t ibang bayan ng probinsya.
Nakapagbigay tayo ng 2,750 food packs sa mga kababayan natin sa Lungsod ng Malolos, Paombong, Hagonoy, at Calumpit.
Maraming salamat sa ating mga lokal na opisyal na sina Mayor Christian Natividad at Vice Mayor Miguel Al Tengco ng Malolos City, Mayor Maryanne Marcos ng Paombong, Mayor Flordeliza Manlapaz ng Hagonoy, at Mayor Glorime Faustino ng Calumpit para sa pakikipagtulungan sa aming opisina upang mapabilis ang distribusyon ng relief packs.
Tayo rin ay magpapahatid ng DSWD- Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) bilang tulong pinansyal sa mga kasalukuyang nangangailangan ng agarang tulong.