Lingkod Loren Relief Operations in Bulacan

Sa oras ng pangangailangan, hindi tayo nakakalimot at sinisigurado natin na maipahatid ang tulong. Kung kaya’t ang #TeamLingkodLoren ay nagtungo sa mga bayan ng Bulacan upang personal na magdala ng mga relief goods sa mga naapektuhan ng Bagyong Egay.

Ang mga bayan ng Guiguinto, Balagtas, Bocaue, at San Miguel ay nakatanggap ng kabuuang 2,250 relief packs. Hangad namin na ang mga ito ay nakapaghatid ng ginhawa sa bawat pamilya.
Ang aming pasasalamat sa ating mga alkalde na sila Mayor Agatha Paula Cruz ng Guiguinto, Mayor Eladio Gonzales ng Balagtas, at Mayor Jonjon Villanueva ng Bocaue, pati na rin kay Congressman Lorna Silverio ng 3rd District ng Bulacan.

Magbibigay din tayo ng DSWD- Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa mga indibidwal upang makatanggap sila ng pinansyal na tulong na kanila ring kailangan sa kasalukuyan.