Isang maagang Pamasko ang handog ng #LingkodLoren para sa mga residente ng Brgy. 235 sa Tondo, Manila kasama ang Damayan sa Distrito Dos (DDD) at Rated Korina!
264 na mga kababayan nating Manilenyo ang nakatanggap ng kanilang mga benepisyo mula sa programang Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers o TUPAD ng Department of Labor and Employment (DOLE) matapos nilang makumpleto ang pagseserbisyo sa kanilang komunidad. Sinurpresa rin natin sila sa pagbibigay ng hamon at grocery packs na Christmas gifts natin para sa kanilang mga pamilya, at mga gamot at vitamins mula sa Department of Health (DOH).
Maraming salamat sa aming mga naging katuwang ngayong araw. Ipagpapatuloy natin ito hanggang umabot sa lahat ng mga barangay sa bansa ang mga serbisyo ng ating pamahalaan.