Habang sinusuyod ng aking anak na si Leandro ang bawat sulok ng Distrito Uno sa Batangas para ipaabot ang kanyang personal na tulong mula bigas, relief goods, at yero. Patuloy din po ang ating paghahatid ng mainit na lugaw para sa ating mga kababayang Batangueño.
Sa bawat mainit na lugaw na ating ipinamamahagi, hatid natin ang pag-asa, kalinga, at malasakit sa bawat pamilyang nangangailangan.
Nasa 1,100 na indibidwal mula sa Brgy. District 1, Brgy. District 2, Brgy. District 3, Brgy. District 4, Brgy. Palanas, Brgy. Lucky, at Brgy. Sangalang sa bayan ng Lemery ang ating nahatidan ng lugaw. Ang bawat mangkok ng lugaw ay hindi lamang pagkain kundi simbolo ng ating pagkakaisa at pagmamahal sa bawat Batangueño.
Patuloy po ang inyong Lingkod Legarda Leviste sa pagtulong at pagsuporta sa pagbangon ng Unang Distrito ng Batangas, dahil ang malasakit ay laging una sa aming serbisyo, at ang serbisyong aming hatid ay walang kinikilalang kulay, paniniwala, estado sa buhay at partido. Ang pag-agapay ng Lingkod Legarda Leviste ay para sa bawat pamilyang Batangueño.