Lingkod Legarda Leviste Relief Operations in Batangas District 1

Araw, gabi hanggang hating gabi! 100,000 food packs na po ang ating naibigay mula sa personal na tulong.

Habang walang kapagurang nag-iikot ang aking anak na si Leandro upang maghatid ng kanyang agarang tulong sa mga nasalanta ng bagyo, mula sa bigas, tubig at mga relief goods, hanggang yerong pamalit sa kanilang mga nasirang bubong, sinasamahan natin ito ng munting alay—sa nagdaang araw, nagdala po tayo ng lugaw na nagbigay ng init at pag-asa sa mahigit 15,000 kababayan nating hinagupit ng bagyo sa iba’t ibang barangay sa Lemery, Balayan, Nasugbu, at iba pang mga lgu sa unang distrito.

Ang lugaw ay simbolo ng ating malasakit—isang simpleng handog na may dalang kaginhawaan. Bitbit nito ang hangarin ng Lingkod Legarda Leviste na magbigay ng pag-asa at suportang makatutulong sa muling pagbangon. Hindi lamang ito pagkain kundi isang mensahe ng pagkakaisa at pagmamalasakit sa bawat pamilyang Batangueño na nasalanta ng nagdaang bagyo.

Patuloy ang Lingkod Legarda Leviste, sa pangunguna ng aking anak na si Leandro, sa paghahatid ng tulong, kasama ang pangakong walang mapag-iiwanan sa ating mga kababayan sa oras ng kanilang pangangailangan.