Isang toneladang cauliflower ang handog natin para sa 135 pamilyang nasunugan sa Brgy. Tatalon, Quezon City noong nakaraang Pebrero. Ang mga cauliflower na ating ipinamahagi ay ani ng mga magsasaka sa Sta. Catalina, Ilocos Sur at ating ni-rescue buy katuwang ang Rural Rising Philippines.
Nawa’y makatulong ang mga gulay na ito upang masigurong nakakakain pa rin ng masustansiyang pagkain ang ating mga kababayan sa gitna man ng sakunang tulad nito.
Kabilang rin ang mga residente ng Brgy. Tatalon sa mga benepisyaryo ng ating serbisyo noong 2023 sa pamamagitan ng DSWD-Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), DOLE-Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), at DOLE Intergrated Livelihood Program (DILP).