Dumalo tayo sa paglulunsad ng “Inubon a Dayaw: Ang Buhay at mga Gawa ng Manlilikha ng Bayan Magdalena Gamayo” eksibit. Ito ay isang espesyal na okasyon, kung saan binibigyang parangal ang kahusayan at dedikasyon sa sining ng paghahabi ng ating Gawad sa Manlilikha ng Bayan (GAMABA) awardee na si Magdalena Gamayo. Tampok sa eksibit ang kanyang mga likhang Inabel na nagsisilbing simbolo ng ating kultura, kasaysayan, at sining.
Sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples (IP) Month at Museums and Galleries Month, atin pong palaganapin ang pagmamahal at suporta sa ating sining, kasabay ng pagkakaroon ng mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa ating makulay at yamang kultural.