Dinepensahan natin sa Plenaryo ang Senate Bill No. 2690 o ang The Bacoor Assembly of 1898 Act na nagdedeklara sa Agosto 1 ng kada taon bilang special working holiday upang gunitain ang Araw ng Paglalathala at Pagtatanyag ng Kasarinlan ng Pilipinas.
Mas mabibigyang-kulay ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan tuwing Hunyo 12 dahil sa pagkilala sa Bacoor Assembly, na ang layunin ay mailathala at maiproklama ang kasarinlan ng bansa, na pinagtibay kalaunan ng Malolos Congress.
Ang mga naganap noong Agosto 1, 1898 ay napakahalaga sapagkat ang pagdedeklara ng kalayaan ay may basbas ng taumbayan. Nawa ay ipagmalaki natin ito dahil ito ang naghudyat sa mundo na ang mga Pilipino ay may kakayanang pamahalaan ang sarili bilang isang republika.
Salamat kay Senador Koko Pimentel sa mahahalagang katanungan noong tinalakay ang panukalang batas sa plenaryo.